PAG-IBIG LAMANG ANG TANGING SAGOT
SA ANUMANG SULIRANIN
PAMINSAN-MINSAN MAN O PARATI.
SA ANUMANG SULIRANIN
PAMINSAN-MINSAN MAN O PARATI.
Kung minsa'y 'di ko mawari pagkakaiba ng anumang dalawang bagay.
Parati'y tamis ang sa labi'y lumalapa't kumakapit, kimkim ma'y sa puso'y panibugho.
Kung minsa'y tanaw ay walang katapusang kulay nyebe, diwa'y lumulutang.
Parati'y ulan, bagyo, lindol, gyera, sakuna, delubyo, puso'y iniihaw sa impyerno.
Ihalintulad man sa amoy ng nabubulok na daga ang kaluluwa
Idikit man din sa totoong kulay ng kawatan ang pagkatao
Ikubli na rin sa madla na madidilim lahat ang hangarin
Paulanan na nang lintik bibig hinding-hindi pa rin iimik.
Pagpasensyahan na po't ako'y talo lamang na may pusong di napapagod sa pagpintig.
Talopan man ; sunogin man; o ibaon man ng buhay--di pa rin paaawat umibig.
Kaya wag mabahala sapagkat mundo ma'y gunaw na, pagsuyo'y humihinga pa.
Kaya minsan.. O para-parati ako'y napaisip at nagisip..
"Minsa'y ayaw nang mabuhay dahil sayo; pero parati'y gusto pang lumaban para sayo."